Sa aking paglalakad nasalubong ko ang isang ale, nagtitinda ng yosi sa kainitan ng araw.
Para ba akong napunta sa kawalan, di ko mapigilan ang sarili sa pagtitig sa kanya.
Ilang saglit lang ang lumipas, napansin ko na may dalawang bata na lumapit sa kanya
at kasabay nito ang pagbatok nang ina sa isa sa kanila. Sa wari ko, ang dalawang bata ay mga anak ng ale.
Lalo pa ako napahinto nang makita ko na pareho silang may dalang mga tindang kendi at yosi
bagamat sila ay musmos pa lamang.Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa akin at ang eksenang iyon ang tumama
sa akin. Malakas ang tama. Napakaiksi nang pangyayari ngunit ang bigat nang dating.
Sa oras na iyon, naisip ko ang salot na matagal nang namemeste sa bansang Pilipinas, higit sa lahat
sa mga kabataang Pinoy.Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng maraming bansa.
Ito ay isang salot na mahirap hanapan nang lunas. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya
na nagtatamasa ng matinding salot na ito. At sino ang higit na naghihirap? Ang kabataan ng Pilipinas.
Ang kabataang Pinoy ay mga biktima ng matinding kahirapan. Maraming pamilya ang nahihirapan
sa pagtustos sa mga gastusin sa bahay. Bigla kong naalala ang aleng nagtitinda ng yosi.
Magkano kaya ang kinikita nya sa isang araw?
isa lamang sa mga karaniwang eksena ng kahirapan sa Pilipinas. Ito ay sumasalamin hindi lamang isang lugar ng Pilipinas.
Ito ay sumasalamin sa isang mabigat na problema ng bansang Pilipinas.
Ang dalawang batang iyon na nagtitinda ng yosi sa langsangan ay sumisimbolo ng paghihirap ng mga kabataang Pinoy
na nagtatamasa ng salot ng lipunan, ang kahirapan.
Sa isip ko, isa isa kong binigkas sa aking sarili ang mga problemang dinaranas ng mga batang nagdurusa sa kahirapan.
Marami sa mga kabataan ang nagdurusa sa malnutrisyon. Ito marahil ay dahil karamihan ng mga pamilyang Pinoy
ay naghihirap matustusan ang pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak, ang sapat na pagkain.
Ano nga namang sustansya ang makukuha sa isang piraso nang sardinas at kapuranggit na kanin?
Marahil swerte ng matatawag kung ang isang bata ay makakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Ito marahil ang dahilan kung bakit isa sa pitong bata ang namamatay nang dahil sa ibat ibang karamdaman.
Nang dahil sa matinding kahirapan, ang mga batang Pinoy ay
napagkakaitan ng tahanang masisilungan. Normal na lang matatawag na sila ay nakatira sa mga tinatawag na "squatter’s area".
Marahil ay hindi na bago sa pandinig kung malalamang natutulog sila sa malamig na semento nang lansangan at wala ni
sapat na pananamit para malabanan ang lamig ng gabi.
Sinasabing ang kabataan ang pagasa ng bayan. Ngunit ang paniniwalang ito ay unti unti nang naglalaho lalo pa
at maraming kabataan ang napagkakaitan ng tamang edukasyon. Swerte na siguro kung matapos man nila ang elementarya.
Bakit nga naman gagastos ang magulang sa paaralan kung ang kanilang kinikita ay kulang pa para sa pangaraw araw
nilang pangangailangan. Sa katotohanan, marami sa mga bata sa murang edad ay pinipilit na magtrabaho ng kanilang
mga magulang para makatulong sa mga gastusin sa bahay.
Ang child labor ay isang malaking problema ng Pilipinas. Meron nga namang batas na tumutuligsa sa child labor sa Pilipinas.
Ngunit sa katotohanan, talamak parin ito sa maraming sulok ng bansa. May mga nagtitinda ng kendi, yosi at bottled water
sa kalsada. Di nila alintana ang init ng araw at ang panganib sa mga naglalakihang bus at trak.
Meron ding nagbubuhat ng mga mabibigat na kahon sa piyer sa halip na mga libro ang kanilang dala dala.
May mga namamasukan bilang katulong at marami rin ang nagtatrabaho bilang mga factory workers.
Ang pagahon sa kahirapan ng bansa ay isang salot na matagal nang pinipilit malunasan nag pamahalaan.
Kailangan ko pa bang hintayin ang aksyon ng gobyerno? Marahil aabutin ako nag isang daan taon bago ko makita ang pagbabagong ito sa lipunan.
Bakit ko hihintayin ang solusyon ng gobyerno kung ako mismo ay makakatulong? Kung gusto ko ng pagbabago, simulan ko sa sarili ko.
Ang pagbabago na naguumpisa sa sarili.
Wednesday, January 16, 2008
Kahirapan... Sakit ng Lipunan, Sakit ng Kabataan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment