A tribute to the classic art of Fernando Amorsolo, the powerful filipino song, Bayan ko, and the timeless artist, Kuh Ledesma.
The song is taken from Kuh's newest album, K. It is a precious collection of filipino songs given a neo-ethnic sound through the expertise of Bob Aves. This album is The Philippines' proud contribution to World Music.
Though the song may promote nationalism, let us not forget that we are all ONE. Let this be a celebration of the beauty of diversity and uniqueness. Any thing unique, we value. Any thing we value, we lovingly accept.
Monday, February 25, 2008
BAYAN KO
Posted by
$Un$HiNE kAeRAi
at
12:26 AM
0
comments
Labels: filipino
Friday, February 15, 2008
HABANG AKO'Y WALA...............

"My Life Without Me" Yan ang kasalukuyang stage ng buhay ko ngayon… parang tipong living dead ika nga ng marami. Nararamdaman kong, ang pag-iral ko ngayon ay bunga lamang ng hangaring magpatuloy upang maranasan ang muling pagkabuhay.
Matagal na akong patay, siguro dalawampung taon na ang nakalilipas nang unti-unting iwanan ako ng aking sarili. Simula nang mamulat ako sa katotohanan ng buhay at nagkaroon ng mga responsibilidad na idinikta ng lipunang kinalakihan.
Nag-aral at pumasok sa eskwela upang magkaroon ng karunungang nararapat para sa isang babaeng lumalaki o nagdadalaga, nakihalubilo sa mga taong unti-unti ring namamatay, nangarap katulad ng tipikal na pangarap ng marami, ang makatapos sa pag-aaral, magkaroon ng magandang career, magkaroon ng magandang hanap-buhay, magkapamilya, yumaman, maging marangya, bumili ng mga naisin, magkaroon ng mga material na bagay na hinahangad din ng karamihan.
Lumigaya? Hindi ko alam… sapagkat ang mga panandaliang kaligayang nararanasan ko sa ngayon ay mababaw, hindi tumitiim at kayang burahin kaagad-agad ng mga mababaw at tipikal na problemang kinakaharap din ng mga katulad ko.
Sa gitna ng pagiging paslit o isang uugod-ugod na matanda ay kawalan… namuhay tayong parang mga patay o manikang de makina na pinapatakbo lamang ng hangaring mai-ahon ang pang-araw araw na buhay, yung tipong “just for the sake of survival”. Walang kahulugan, walang patutunguhan, mababaw, at mabilis ang pagdaan ng mga araw na halos paulit-ulit lang.
Alam ko, matagal pa bago ko muling maranasan ang “mabuhay” katulad ng mga batang paslit, na walang paki-alam at hindi apektado sa kababawan ng mga matatandang nakapaligid sa kanila. Kung maari ko lamang ibalik ang nakraan, napakasarap maging bata… ang maging totoo, inosente at makatikim ng totoong kaligayahan o ang makaranas ng totoong pait.
Sabi nga ng isang kaibigan, tayo ay nabuhay lamang ng totoo noong tayo ay mga batang paslit lamang at muling manunumbalik ito kapag tayo ay matandang ugod-ugod na, nakaupo sa duyan o tumba-tumba habang sinasariwa ang mga nakaraan at muling tinitimbang ang mga desisyon at mga karanasan bilang isang tao. Minsan ay mapapangiti tayo, o mapapaluha sa ating pagbabalik tanaw. Subalit mas mararamdaman natin ang pag-inog ng mundo, ang tibok ng ating puso, ang malalalim na buntunghininga, maging ang damyo ng hangin sa ating mga pisngi.
At handa kong hintayin ang mga sandaling iyun gaano man katagal, o ilang raw at taon mang paulit-ulit at walang kahulugan ang aking maranasan. Sa ngayon ihahanda ko na muna ang duyan o ang tumba-tumbang uupuan ko para sa pagdating ng panahong iyun.
Posted by
$Un$HiNE kAeRAi
at
9:53 PM
0
comments
Labels: filipino, stuggles in life
Friday, January 25, 2008
$aYaW dArLinG
Sayaw Mga DArling.......Wala mo na tayong iyakan ngayon
inguso na natin....sumayaw tayong lahat!!
Oh, ano mga darling? Ready naba kayo? Oh sige simulan na natin ha Okay! 5678
Habang sumayaw.....kwentohan ko kayo.....remember be happy!!!
Battle of the brains.1
One more dagdag:
Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!
(Bweset!)
Battle of the brains.2
Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may
initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!
Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at
kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!
Battle of the brains 3
Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung
kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!
Posted by
$Un$HiNE kAeRAi
at
5:52 PM
0
comments
Tuesday, January 22, 2008
Kalayaan?????


Isipin ang EDSA Revolution (Cory Aquino, Cardinal Sin, Marcos, Ramos etc etc).
Sabi ni Jim Paredes sa isang interview
"EDSA 1 didn't fail us. We failed EDSA."
and with edsa, tingin ko wlang karapatan magsabi ang mga tao na
edsa failed us or we failed edsa..sino bang nakakaalam na walang magbabago
pagkatapos ng tatlong edsa? people participtaed because they believed..
bakit porket successful sa pagpapatalsik ng diktaturya ang edsa 1 eh
inisip nating successful ang magiging sunod na mga edsa at bakit porket
sa tingin ng karamihan eh hindi successful ang mga sumunod na edsa eh failure na sya?
ganun ba yun? does the nature of people power only lie on its outcome?
Naniniwala ka ba na talagang nakamit nga natin ang kalayaan?
naniniwala ba kayong lumaya na tayo? ako hindi, pinapalit palit
lang ang naghahawak ng susi ng selda naten.
hindi ako naniniwalang nakamit na natin nang tuluyan ang kalayaan.
nang mapag-aralan namin sa grade5 na sinakop tayo ng mga Amerikano
pagkatapos nating makalaya sa Kastila,
nawalan ng bisa sa akin ang june 12 (1898) independence day.
mula nun, july 4 (1946) na ang itinangi kong kalayaan ng bansa.
pero sumunod pa pala ang Hapon, pagkatapos, yun nang mga umupong
lider Pilipino nang maging republika na ang bansa.
hanggang sa matutunan ko last week lang ang tungkol sa pinakamahalagang
uri ng kalayaan na siyang pinaglaban ng ating naging pambansang bayani
- liberation of the mind. hindi magiging mabisa ang Kalayaan kung hindi
ito ma-e-exercise, lalo't higit kung may constraint. kaya mahirap tukuyin
kung anong uri nga talaga ng kalayaan ang umiiral sa atin ngayon.
kung kalayaan sa pamamahayag, demonstrasyon, freedom of speech and the like,
bakit maraming namatay/namamatay na journalists, activists, etc.?
ibig sabihin hindi lubusan ang uri ng kalayaang yon. kung kalayaan sa pagboto,
bakit may dagdag-bawas at sari-sari pang pandaraya tuwing eleksyon
(may nakakabotong patay, nasa labas ng bansa, at may flying voters)?
iniisip ko nga, baka kalayaan lang sa pagkonsumo ang meron tayo dahil sa
kapitalistikong society na umiiral dito sa atin.
basta, mahirap isipin kung anong uri ng kalayaan ang ipinagdiriwang tuwing june12.
kalayaan sa pagsakay sa MRT at hindi panghuhuli sa mga terorista ng mga
sundalong nakapwesto sa checkpoint ng SLEX?
3. hindi pa tayo LAHAT handa dahil wala pa tayong naisasagawang
anumang paghahanda para sa ating kalayaan.
mahirap bigyang-kahulugan ang freedom lalo na kung hindi ito naeexercise.
lalong hindi ko alam ang societal freedom. freedom in society?
4. paano? In libris libertas. (In books there is freedom)
Posted by
$Un$HiNE kAeRAi
at
8:26 AM
0
comments
Saturday, January 19, 2008
KAHIRAPAN .....

"Bugbog na ang mga Pilipino sa kahirapan kaya't maraming nawawalan ng pag-asa
(Filipinos are battered by poverty, a lot of people has lost hope)."
"Ang pagpapakamatay dahil sa gutom ng anak ay dahil sa bulok na sistema.
Lahat ng pamamaraan ginagawa naming mga magulang, lalo kaming mga ina para
lamang may makain ang aming mga anak (A child who commits suicide out of hunger
and poverty is victim of a rotten system. As parents, we do everything we can,
especially us mothers to insure that our children are not hungry.)
"Nagsisikap kami. Gustuhin man naming makapagtrabaho ang aming napag-aralan ay di naman sapat.
Bilang mga ina, sanay kaming magtiis sa gutom para lamang mapakain ang aming mga anak;
lahat gagawin kahit ibenta pa ang sarili para sa aming mga anak (We persevere.
Even if we want to work we can't since we don't have the educational background for it.
As mothers, we are used to suffer in hunger just to feed our children,
we will do everything even if it means we need to sell ourselves for our children.)."
Posted by
$Un$HiNE kAeRAi
at
6:02 AM
0
comments
Wednesday, January 16, 2008
Kahirapan... Sakit ng Lipunan, Sakit ng Kabataan
Sa aking paglalakad nasalubong ko ang isang ale, nagtitinda ng yosi sa kainitan ng araw.
Para ba akong napunta sa kawalan, di ko mapigilan ang sarili sa pagtitig sa kanya.
Ilang saglit lang ang lumipas, napansin ko na may dalawang bata na lumapit sa kanya
at kasabay nito ang pagbatok nang ina sa isa sa kanila. Sa wari ko, ang dalawang bata ay mga anak ng ale.
Lalo pa ako napahinto nang makita ko na pareho silang may dalang mga tindang kendi at yosi
bagamat sila ay musmos pa lamang.Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa akin at ang eksenang iyon ang tumama
sa akin. Malakas ang tama. Napakaiksi nang pangyayari ngunit ang bigat nang dating.
Sa oras na iyon, naisip ko ang salot na matagal nang namemeste sa bansang Pilipinas, higit sa lahat
sa mga kabataang Pinoy.Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng maraming bansa.
Ito ay isang salot na mahirap hanapan nang lunas. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya
na nagtatamasa ng matinding salot na ito. At sino ang higit na naghihirap? Ang kabataan ng Pilipinas.
Ang kabataang Pinoy ay mga biktima ng matinding kahirapan. Maraming pamilya ang nahihirapan
sa pagtustos sa mga gastusin sa bahay. Bigla kong naalala ang aleng nagtitinda ng yosi.
Magkano kaya ang kinikita nya sa isang araw?
isa lamang sa mga karaniwang eksena ng kahirapan sa Pilipinas. Ito ay sumasalamin hindi lamang isang lugar ng Pilipinas.
Ito ay sumasalamin sa isang mabigat na problema ng bansang Pilipinas.
Ang dalawang batang iyon na nagtitinda ng yosi sa langsangan ay sumisimbolo ng paghihirap ng mga kabataang Pinoy
na nagtatamasa ng salot ng lipunan, ang kahirapan.
Sa isip ko, isa isa kong binigkas sa aking sarili ang mga problemang dinaranas ng mga batang nagdurusa sa kahirapan.
Marami sa mga kabataan ang nagdurusa sa malnutrisyon. Ito marahil ay dahil karamihan ng mga pamilyang Pinoy
ay naghihirap matustusan ang pangunahing pangangailangan ng kanilang mga anak, ang sapat na pagkain.
Ano nga namang sustansya ang makukuha sa isang piraso nang sardinas at kapuranggit na kanin?
Marahil swerte ng matatawag kung ang isang bata ay makakakain ng tatlong beses sa isang araw.
Ito marahil ang dahilan kung bakit isa sa pitong bata ang namamatay nang dahil sa ibat ibang karamdaman.
Nang dahil sa matinding kahirapan, ang mga batang Pinoy ay
napagkakaitan ng tahanang masisilungan. Normal na lang matatawag na sila ay nakatira sa mga tinatawag na "squatter’s area".
Marahil ay hindi na bago sa pandinig kung malalamang natutulog sila sa malamig na semento nang lansangan at wala ni
sapat na pananamit para malabanan ang lamig ng gabi.
Sinasabing ang kabataan ang pagasa ng bayan. Ngunit ang paniniwalang ito ay unti unti nang naglalaho lalo pa
at maraming kabataan ang napagkakaitan ng tamang edukasyon. Swerte na siguro kung matapos man nila ang elementarya.
Bakit nga naman gagastos ang magulang sa paaralan kung ang kanilang kinikita ay kulang pa para sa pangaraw araw
nilang pangangailangan. Sa katotohanan, marami sa mga bata sa murang edad ay pinipilit na magtrabaho ng kanilang
mga magulang para makatulong sa mga gastusin sa bahay.
Ang child labor ay isang malaking problema ng Pilipinas. Meron nga namang batas na tumutuligsa sa child labor sa Pilipinas.
Ngunit sa katotohanan, talamak parin ito sa maraming sulok ng bansa. May mga nagtitinda ng kendi, yosi at bottled water
sa kalsada. Di nila alintana ang init ng araw at ang panganib sa mga naglalakihang bus at trak.
Meron ding nagbubuhat ng mga mabibigat na kahon sa piyer sa halip na mga libro ang kanilang dala dala.
May mga namamasukan bilang katulong at marami rin ang nagtatrabaho bilang mga factory workers.
Ang pagahon sa kahirapan ng bansa ay isang salot na matagal nang pinipilit malunasan nag pamahalaan.
Kailangan ko pa bang hintayin ang aksyon ng gobyerno? Marahil aabutin ako nag isang daan taon bago ko makita ang pagbabagong ito sa lipunan.
Bakit ko hihintayin ang solusyon ng gobyerno kung ako mismo ay makakatulong? Kung gusto ko ng pagbabago, simulan ko sa sarili ko.
Ang pagbabago na naguumpisa sa sarili.
Posted by
$Un$HiNE kAeRAi
at
8:51 PM
0
comments

