Isipin ang EDSA Revolution (Cory Aquino, Cardinal Sin, Marcos, Ramos etc etc).
Sabi ni Jim Paredes sa isang interview
"EDSA 1 didn't fail us. We failed EDSA."
and with edsa, tingin ko wlang karapatan magsabi ang mga tao na
edsa failed us or we failed edsa..sino bang nakakaalam na walang magbabago
pagkatapos ng tatlong edsa? people participtaed because they believed..
bakit porket successful sa pagpapatalsik ng diktaturya ang edsa 1 eh
inisip nating successful ang magiging sunod na mga edsa at bakit porket
sa tingin ng karamihan eh hindi successful ang mga sumunod na edsa eh failure na sya?
ganun ba yun? does the nature of people power only lie on its outcome?
Naniniwala ka ba na talagang nakamit nga natin ang kalayaan?
naniniwala ba kayong lumaya na tayo? ako hindi, pinapalit palit
lang ang naghahawak ng susi ng selda naten.
hindi ako naniniwalang nakamit na natin nang tuluyan ang kalayaan.
nang mapag-aralan namin sa grade5 na sinakop tayo ng mga Amerikano
pagkatapos nating makalaya sa Kastila,
nawalan ng bisa sa akin ang june 12 (1898) independence day.
mula nun, july 4 (1946) na ang itinangi kong kalayaan ng bansa.
pero sumunod pa pala ang Hapon, pagkatapos, yun nang mga umupong
lider Pilipino nang maging republika na ang bansa.
hanggang sa matutunan ko last week lang ang tungkol sa pinakamahalagang
uri ng kalayaan na siyang pinaglaban ng ating naging pambansang bayani
- liberation of the mind. hindi magiging mabisa ang Kalayaan kung hindi
ito ma-e-exercise, lalo't higit kung may constraint. kaya mahirap tukuyin
kung anong uri nga talaga ng kalayaan ang umiiral sa atin ngayon.
kung kalayaan sa pamamahayag, demonstrasyon, freedom of speech and the like,
bakit maraming namatay/namamatay na journalists, activists, etc.?
ibig sabihin hindi lubusan ang uri ng kalayaang yon. kung kalayaan sa pagboto,
bakit may dagdag-bawas at sari-sari pang pandaraya tuwing eleksyon
(may nakakabotong patay, nasa labas ng bansa, at may flying voters)?
iniisip ko nga, baka kalayaan lang sa pagkonsumo ang meron tayo dahil sa
kapitalistikong society na umiiral dito sa atin.
basta, mahirap isipin kung anong uri ng kalayaan ang ipinagdiriwang tuwing june12.
kalayaan sa pagsakay sa MRT at hindi panghuhuli sa mga terorista ng mga
sundalong nakapwesto sa checkpoint ng SLEX?
3. hindi pa tayo LAHAT handa dahil wala pa tayong naisasagawang
anumang paghahanda para sa ating kalayaan.
mahirap bigyang-kahulugan ang freedom lalo na kung hindi ito naeexercise.
lalong hindi ko alam ang societal freedom. freedom in society?
4. paano? In libris libertas. (In books there is freedom)
Tuesday, January 22, 2008
Kalayaan?????
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment